Add parallel Print Page Options

11 ‘Ipinapagpag namin laban sa inyo maging ang mga alikabok ng inyong bayan na kumapit sa aming paa. Subalit pakatandaan ninyong lumapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos.’ 12 Sinasabi ko sa inyo, mas mabuti pa ang sasapitin ng Sodoma kaysa sasapitin ng bayang iyon sa araw ng paghuhukom.”

Ang Masaklap na Sasapitin ng mga Bayang Hindi Nagsisi(A)

13 “Kaysaklap ng sasapitin mo, Corazin! Kaysaklap ng sasapitin mo, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, marahil ay matagal na silang nagsisi na nakaupong may damit-sako at abo.

Read full chapter